Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, matagumpay na isinagawa ang Womenโs Health Caravan sa pangunguna ng Malabon City Health Department, na naglalayong ilapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababaihan.
Nagbigay ng pagbati sa mga kababaihan si Mayor Jeannie Sandoval at nagpaabot ng mahalagang mensahe. Ayon sa kanya, ang malusog na kababaihan ay mahalagang pundasyon ng isang matatag na pamilya at komunidad.
Naghandog ang programa ng ibaโt ibang libreng serbisyo at aktibidad tulad ng Zumba para sa wellness, mga health lecture ukol sa nutrisyon, family planning, at Anti-VAWC, mental health screening at konsultasyon, pati na rin ang counseling services na nakatuon sa kabuuang kapakanan ng kababaihan. Naging bahagi rin nito ang PhilSys at PhilHealth registration, interactive booths, at mga livelihood training gaya ng paggawa ng dishwashing liquid, pot holder, at rug making na nagbigay ng dagdag kaalaman at oportunidad sa ating mga kababaihan.
Idinaos ito sa Fisher Mall Malabon kung saan sama-samang nakiisa ang ibaโt ibang ahensya, partner organizations, at volunteers upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng programa.
Pinangunahan ang programa sa pamamagitan ng panimulang mensahe ni Dr. Bernadette E. Bordador, OIC ng City Health Department. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Ms. Lizelle Christine Litonjua, kinatawan mula sa DOH, kasama ang pakikiisa ng ating mga konsehal.
Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod sa kalusugan, dignidad, at kapakanan ng bawat kababaihan tungo sa mas inklusibo at mas matatag na komunidad.
#MalabonAhon #MalusogNaMalabueรฑos #HealthyMalabon #BuwanNgKababaihan #SapagAHONngMalabonBawatBuhayMahalaga






















