May bagong kumpiyansa at mas malinaw na direksyon ang 75 work immersion completers na kinilala sa Awarding of Certificate of Completion sa Hulong Duhat Covered Court Plaza. Limampu (50) sa mga ito ay mula sa Malabon National High School, habang dalawampu’t lima (25) naman ay mula sa College of Saint Amatiel, bilang patunay ng kanilang pagsisikap at kahandaan sa pagharap sa tunay na mundo ng trabaho.
Pinangunahan ni OIC–PESO Bb. Luziel Gutierrez ang programa, habang dumalo sina Konsehal Payapa Ona at Konsehal Leslie Yambao bilang pagpapakita ng suporta sa mga kabataan.
Dumalo rin si Mayor Jeannie Sandoval at nagbigay ng mensaheng nagbigay-inspirasyon sa mga mag-aaral: “Ang work immersion ay hindi lamang bahagi ng inyong pag-aaral, ito ang unang hakbang sa pagharap sa tunay na mundo at sa pagtupad ng inyong mga pangarap.”
Bawat sertipiko ay sumasalamin sa tiyaga, disiplina, at determinasyon. Mga aral na magsisilbing gabay sa kanilang susunod na yugto. Isang hakbang ito patungo sa mas handa at mas matibay na kinabukasan para sa kabataang Malabueno.
#WorkImmersionProgram #KabataangMalabueño #MalabonAhon















