Ngayong araw, pinangunahan ng Public Information Office ang lingguhang flag ceremony, isang umagang muling nagpaalala ng kahalagahan ng nagkakaisang pagkilos at tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyo para sa mga Malabueño.
Para sa linggong ito, si Vice Mayor Edward Nolasco ang nagbigay ng mensahe, kung saan binalikan niya ang naganap na Health Caravan kahapon sa Brgy. Catmon. Nagpaabot din siya ng pasasalamat sa suporta nina Mayor Jeannie Sandoval, former Congressman at Philippine Red Cross Malabon Chapter Chairman Ricky Sandoval, at sa Molave Lions Club. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na paglilingkod para sa kapakanan ng mga Malabueño.
Kasunod nito, binati rin ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ng Malabon na nagdiriwang ng kanilang kaarawan ngayong linggo bilang pagkilala sa kanilang patuloy na ambag sa lungsod.
Dumalo rin sa seremonya si City Administrator Dr. Alexander T. Rosete.
Sa kabuuan, ang umagang ito ay nagsilbing paalala ng patuloy na pagkakaisa at dedikasyon ng mga lingkod-bayan sa paghahatid ng serbisyong may layunin para sa bawat Malabueño.
#MalabonAhon #SerbisyongMayMalasakit #FlagCeremony
















