Sa Gitna ng Pagluluksa, May Kaagapay: Death Claim Assistance para sa mga Pamilya ng Senior Citizens

Isinagawa ngayong araw ang payout ng death claim assistance para sa 140 kaanak ng mga namayapang senior citizens na nag-apply noong Oktubre hanggang Disyembre. Isa itong tulong pinansyal na layong maibsan ang bigat na pinansyal sa gitna ng pagdadalamhati.

Personal na ipinagkaloob ni Mayor Jeannie Sandoval ang nasabing tulong, bilang pakikiisa at malasakit sa bawat pamilyang naiwan,”Hindi man nito mapapalitan ang pagkawala ng ating mga mahal sa buhay, hangad namin na sa simpleng paraang ito ay maipadama na hindi kayo nag-iisa, may pamahalaang handang umalalay sa inyo."

Ibinahagi rin ni Mayor Jeannie na naisagawa na ang social pension fund transfer bilang paghahanda sa nalalapit na pamamahagi ng national social pension, isang hakbang upang matiyak ang tuloy-tuloy na suporta para sa ating mga nakatatanda.

Bukod dito, binigyang-diin din niya ang iba pang programang pangkalusugan na maaaring ma-avail nang libre ng mga senior citizen.

Ang death claim assistance ay bahagi ng patuloy na programa ng lokal na pamahalaan upang magbigay ginhawa sa mga naiwang pamilya. Paalala ito na sa oras ng pangangailangan, may maaasahang tulong mula sa pamahalaan.

Para sa mga nais makabenepisyo ng programa, maaaring magtungo sa Office for Senior Citizens Affairs

(Lunes–Biyernes, 8:00 AM–5:00 PM) at dalhin ang mga sumusunod:
1️⃣ Certified true copy ng death certificate
2️⃣ Original at photocopy ng senior citizen ID
3️⃣ Para sa authorized representative: sariling valid ID at proof of relationship.
📌 Paalala: Siguraduhing maisumite ang kumpletong requirements sa loob ng tatlong (3) buwan mula sa petsa ng pagpanaw.

#MalabonAhon #SerbisyongMayMalasakit #DeathClaimAssistance

Public Information Office:

(02) 8281-4999 Loc. 6001 & 6002


Disaster:

(02) 8281-4999 Loc. 1017 & 1018

Police:

(02) 8281-1133 * (02) 8281-1135 * (02) 8281-1137

* (02) 8281-999 * (02) 8288-3895

* (02) 8281-4999 loc, 1008 & 1012


Mayors Complaint and Action Team (MCAT):

(02) 8281-4999 Loc. 1010


Fire:

(02) 8361-9712 * (02) 8281-1141

* (02) 8281-4607


Copyright © 2026 Malabon City. All Rights Reserved. Web Development by MISD.

Deneme Bonusu Veren Siteler | Deneme Bonusu | Deneme Bonusu Veren Siteler | Bedava Bonus Veren Siteler | Deneme Bonusu | Grandpashabet | Casino Siteleri | Deneme Bonusu Veren Bahis Siteleri | Deneme Bonusu Veren Casino Siteleri | Deneme Bonusu Veren Siteler 2026 | Casino Siteleri | Deneme Bonusu Veren Siteler | Deneme Bonusu 2026 | Deneme Bonusu Veren Yeni Siteler | Bonus Veren Siteler | Deneme Bonusu Veren Yeni Siteler | Deneme Bonusu Veren Siteler 2026 | Deneme Bonusu Veren Güvenilir Siteler | Casino Siteleri | Deneme Bonusu Veren Siteler | Bedava Deneme Bonusu | Deneme Bonusu Veren Siteler | Yatırımsız Deneme Bonusu | Bahis Siteleri | Deneme Bonusu | Bahis Siteleri | Deneme Bonusu | Grandpashabet | grandpashabet | grandpashabet | Grandpashabet giriş | Grandpashabet güncel giriş | Grandpashabet giriş adresi | Grandpashabet | Grandpashabet Giriş | Grandpashabet | Grandpashabet
Scroll to Top