Pamamahagi ng Social PensionNgayong araw, ika-21 ng Abril, sinimulan ang pamamahagi ng Social Pension para sa ating mga senior citizens sa Brgy. Potrero. Tumanggap ang bawat benepisyaryo ng halagang ₱6,000, na sumasaklaw na sa kanilang pensiyon para sa una at ikalawang kwarter ng taon.
Sa unang araw ng payout, umabot sa 1,283 senior citizens ang nabigyan ng nasabing benepisyo, isang mahalagang tulong lalo na sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.
Nakiisa si Mayor Jeannie Sandoval sa payout, kung saan binigyang-diin niya ang kahalagahan ng programang ito, "Sisikapin po nating mas mapaaga at mapalawak pa ang serbisyong ito upang mas marami pa ang maabot at mas mapagaan ang kanilang pang-araw-araw na buhay.”
Dumalo rin si former Congressman Ricky Sandoval upang makiisa at magbigay-suporta para sa mga lolo at lola ng lungsod.
Ang payout na ito ay magpapatuloy hanggang Abril 30 na isinasagawa sa iba’t ibang barangay ayon sa nakatakdang iskedyul.
Para sa mga susunod na kukuha, kinakailangan lamang dalhin ang mga sumusunod:
Kung personal na kukunin — Magdala ng photocopy ng OSCA ID na may tatlong pirma
Kung may kinatawan — kinakailangan ng authorization letter, valid ID ng kinatawan, at larawan nilang magkasama na may hawak na dyaryo o kalendaryo at may bilog ang petsa
Para sa mga hindi pa nakatanggap, maaari pa rin itong makuha sa mga susunod na iskedyul ng payout sa ibang barangay.
Sa bawat halagang naiaabot, hindi lang tulong ang naibibigay kundi dignidad, ginhawa, at pag-alalay sa araw-araw ng ating mga lolo at lola.
#MalabonAhon #SerbisyongMayMalasakit #SocialPension
















