Vision, Mission, Quality Policy

Vision

Tanyag sa mayamang kultura at pinagmamalaking hitik at makulay na kasaysayan, tahanan ng mabuti at maka-Diyos na taga-Malabon na may mataas na antas ng pamumuhay bunga ng mayabong na ekonomiya, luntian at Iigtas na kapaligiran, angkop na imprastruktura at mahusay na pamahalaang nagtataguyod ng pag-unlad na ipamamana sa susunod na salinlahi.


Renowned for its rich culture and proud of its vibrant and colorful history, Malabon is home to good and God-fearing citizens who enjoy a high standard of living resulting from a flourishing economy, a green and safe environment, suitable infrastructure, and an efficient government that promotes progress to be passed on to the next generation.


Mission

Malabon Ahon!

Tutugunan ang pangangailangan,

Tulong-tulong, walang maiiwan sa pagsulong!


Malabon Ahon!

Addressing needs together,

helping each other,

leaving no one behind!


Quality Policy

Kami sa Pamahalaang Lungsod ng Malabon, ay nanunumpang magbigay ng de kalidad, mabilis, at patas na serbisyong pampubliko na magpapabuti sa kalidad ng buhay ng mga Malabueño, na may layuning makamit ang mataas na antas ng kaluguran sa aming paglilingkuran. Patuloy naming susubaybayan, susukatin, at pahuhusayin ang aming mga serbisyo upang matugunan at mahigitan ang inaasahan ng aming mga pinaglilingkuran habang ipinatutupad ang mga ito ayon sa naaangkop na mga batas, patakaran, at iba pang legal na kinakailangan.


Kami ay nakatuon sa tuloy-tuloy na pagpapabuti sa pamamagitan ng regular na pagsusuri at pagsasaayos ng aming mga proseso gamit ang mga sukatan ng pagganap, makabagong pamamaraan, at paglikha ng kapaligirang may pagtutulungan at nagpapalakas sa mga kawani. Isinusulong namin ang pagiging malinaw, may pananagutan, at likas- kayang pamamalakad, na tumitiyak na ang aming mga gawain ay nagtataguyod ng mabuting pamamahala at pangangalaga sa kalikasan, patungo sa isang ligtas, maayos, at masiglang pamayanan para sa darating na mga henerasyon.


We, at the City Government of Malabon, commit to delivering high quality, efficient, and inclusive public services that enhance the quality of life for all Malabueños, aiming for high levels of stakeholder satisfaction. We will continually monitor, measure, and improve our services to exceed the expectations of our stakeholders while adhering to all statutory, regulatory, and other legal requirements.


We are committed to continual improvement by regularly evaluating and refining our processes through performance metrics, innovation, and fostering a collaborative environment that empowers our employees. We uphold transparency, accountability, and sustainability, ensuring that our operations promote good governance and environmental stewardship, thereby building a safe and vibrant community for future generations


Public Information Office:

(02) 8281-4999 Loc. 6001 & 6002


Disaster:

(02) 8281-4999 Loc. 1017 & 1018

Police:

(02) 8281-1133 * (02) 8281-1135 * (02) 8281-1137

* (02) 8281-999 * (02) 8288-3895

* (02) 8281-4999 loc, 1008 & 1012


Mayors Complaint and Action Team (MCAT):

(02) 8281-4999 Loc. 1010


Fire:

(02) 8361-9712 * (02) 8281-1141

* (02) 8281-4607


Copyright © 2026 Malabon City. All Rights Reserved. Web Development by MISD.

Scroll to Top