Matagumpay, maayos, at masiglang naisagawa ang Libreng Chest X-Ray sa Robinsons Malabon bilang bahagi ng paggunita ng World Tuberculosis Day, sa pangunguna ng City Health Department sa ilalim ng matibay at maagap na pamumuno ng OIC City Health Department na si Dr. Bernadette Bordador.
Sa kabuuan, umabot sa 212 na indibidwal ang nabigyan ng libreng chest X-ray, isang mahalaga, maagap, at makabuluhang hakbang upang matukoy at maagapan ang anumang kondisyon sa baga, lalo na ang tuberculosis.
Ang resulta ng isinagawang chest X-ray ay maaaring makuha simula Lunes sa kani-kanilang barangay health centers.
Sa patuloy na pagsusulong ni Mayor Jeannie Sandoval ng mga programang pangkalusugan, mas napapalawak at napapalapit ang mga libreng serbisyong medikal para sa bawat Malabueño.
Para sa mga hindi nakaabot, maaaring magpunta bukas, Marso 27 (Biyernes), sa San Lorenzo Ruiz General Hospital (New Building), mula 7:00 AM hanggang 3:00 PM para sa libreng chest X-ray.
Sa bawat simpleng pagsusuri, mas pinatatatag ang ating laban tungo sa mas ligtas, mas malusog, at mas maayos na kinabukasan para sa lahat.
#MalabonAhon #HealthyMalabon #LibrengSerbisyo #ChestXRay #TBFreeMalabon #CityHealthDepartment








