Pagkilala sa Serbisyo, Tulong na May Malasakit: Honorarium para sa 20 FEMASCA Presidents

Bilang pagkilala sa kanilang patuloy na paglilingkod, ipinagkaloob ang FEMASCA Honorarium payout sa 20 presidente ng Federation of Malabon Senior Citizens Association (FEMASCA) na ginanap sa Penthouse ng Malabon City Hall.

Personal na iniabot ni Mayor Jeannie Sandoval ang nasabing honorarium, bilang pasasalamat sa kanilang dedikasyon sa pagsusulong ng kapakanan ng mga nakatatanda sa lungsod.

“Kayo ang boses at sandigan ng ating mga senior citizens. Maliit man ito kumpara sa inyong sakripisyo, hangad namin na kahit paano ay makatulong ito sa inyong pangangailangan, lalo na sa panahong ito ng pagninilay at pagtitipid.”

Ngayong Semana Santa, ang tulong na ito ay nagsisilbing dagdag-ginhawa at pasasalamat sa kanilang walang sawang paglilingkod sa kapwa senior citizens. Sa panahong ito ng pagninilay, maaari nila itong magamit sa pang-araw-araw na pangangailangan o bilang kaunting alalay sa gastusin habang kasama ang kanilang pamilya.

Isang paalala na sa bawat pagkilala at suporta, mas napapalakas ang samahan at malasakit para sa ating mga nakatatanda.

#MalabonAhon #FEMASCA #SerbisyongMayMalasakit #SeniorCitizens

Public Information Office:

(02) 8281-4999 Loc. 6001 & 6002


Disaster:

(02) 8281-4999 Loc. 1017 & 1018

Police:

(02) 8281-1133 * (02) 8281-1135 * (02) 8281-1137

* (02) 8281-999 * (02) 8288-3895

* (02) 8281-4999 loc, 1008 & 1012


Mayors Complaint and Action Team (MCAT):

(02) 8281-4999 Loc. 1010


Fire:

(02) 8361-9712 * (02) 8281-1141

* (02) 8281-4607


Copyright © 2026 Malabon City. All Rights Reserved. Web Development by MISD.

Scroll to Top