Woman’s Health Caravan 2026 | Pat-alaga sa Kalusugan ng Kababaihang Malabueno

Bilang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan, matagumpay na isinagawa ang Women’s Health Caravan sa pangunguna ng Malabon City Health Department, na naglalayong ilapit ang mahahalagang serbisyong pangkalusugan para sa ating mga kababaihan.

Nagbigay ng pagbati sa mga kababaihan si Mayor Jeannie Sandoval at nagpaabot ng mahalagang mensahe. Ayon sa kanya, ang malusog na kababaihan ay mahalagang pundasyon ng isang matatag na pamilya at komunidad.

Naghandog ang programa ng iba’t ibang libreng serbisyo at aktibidad tulad ng Zumba para sa wellness, mga health lecture ukol sa nutrisyon, family planning, at Anti-VAWC, mental health screening at konsultasyon, pati na rin ang counseling services na nakatuon sa kabuuang kapakanan ng kababaihan. Naging bahagi rin nito ang PhilSys at PhilHealth registration, interactive booths, at mga livelihood training gaya ng paggawa ng dishwashing liquid, pot holder, at rug making na nagbigay ng dagdag kaalaman at oportunidad sa ating mga kababaihan.

Idinaos ito sa Fisher Mall Malabon kung saan sama-samang nakiisa ang iba’t ibang ahensya, partner organizations, at volunteers upang matiyak ang maayos at matagumpay na pagsasagawa ng programa.

Pinangunahan ang programa sa pamamagitan ng panimulang mensahe ni Dr. Bernadette E. Bordador, OIC ng City Health Department. Nagbigay rin ng mensahe ng suporta si Ms. Lizelle Christine Litonjua, kinatawan mula sa DOH, kasama ang pakikiisa ng ating mga konsehal.

Patuloy ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa pagsusulong ng mga programang nagtataguyod sa kalusugan, dignidad, at kapakanan ng bawat kababaihan tungo sa mas inklusibo at mas matatag na komunidad.

#MalabonAhon #MalusogNaMalabueños #HealthyMalabon #BuwanNgKababaihan #SapagAHONngMalabonBawatBuhayMahalaga

Public Information Office:

(02) 8281-4999 Loc. 6001 & 6002


Disaster:

(02) 8281-4999 Loc. 1017 & 1018

Police:

(02) 8281-1133 * (02) 8281-1135 * (02) 8281-1137

* (02) 8281-999 * (02) 8288-3895

* (02) 8281-4999 loc, 1008 & 1012


Mayors Complaint and Action Team (MCAT):

(02) 8281-4999 Loc. 1010


Fire:

(02) 8361-9712 * (02) 8281-1141

* (02) 8281-4607


Copyright © 2026 Malabon City. All Rights Reserved. Web Development by MISD.

Scroll to Top